Monday, September 5, 2011

musika at iba pa

Na-mi-miss ko nang tumugtog kasama yung mga kabanda ko. Ansarap kasi sa pakiramdam ng pumapalo, nawawala talaga lahat ng stress mo. Tas mas may dating pa kung hilig mo talaga yung texture ng musikang tinutugtog niyo. Hindi naman talaga ako magaling pumalo pero nag-eenjoy ako. At alam kong yung mga nakaka-appreciate ng istilo ng AskRomeo eh napapasaya naman namin. At ang pinakapaborito kong parte sa bawat umpisa ng tugtugan eh yung soundcheck pa lang. Titingnan kung nasa tono yung gitara, kung maganda ang halo ng treble at bass at echo ng mga mikropono, kung sakto na sa palo yung drums at cymbals, kung aabutin pa yung tonong isi-net yata ng three octaves higher para mas may dating ang birit ng bokalista. Sa umpisa parang ang-gulo-gulo ng tunog pero pagdating sa gitna ng soundcheck, unti-unti, di mo namamalayang gumagawa na pala kayo ng magandang musika. Haay, old times!


Costume scheme na ini-sketch ni Claire para sa tugtog namin last 2009 sa Manor Eastwood.
tinugtog ang Dirty Diana ni Michael Jackson at ang sobrang cool na Just Dance ni Lady Gaga :)



actual picture nung eastwood gig!



piktyur nung tugtog noong isang taon, 2010, sa Metro Bar sa West Ave. Tumugtog din kami sa Gilligan's Bar ng Trinoma pagkatapos, habang nag-"vivictory party" noong gabing iyon!


piktyur nung 2008, bago ang tugtog ng Disney Musical. Magttrip sanang naka-traditional costume ng koreana pero kinabahan ako lalo. Ayun hanggang plano lang ako. hahaha! tumugtog ng Breaking Free mula sa Disney Highschool Musical sa UP Film Institute.


Band picture na ginawa ni Papa Jay, galing talaga! Para sa tugtog nung 2009! Tumugtog ng Can't Buy Me Love ng Beatles na astig kasi ginawang jazz ala-Michael Buble at ang walang katapusang Migraine ng Moonstar88 :)


Na-mimiss ko na talaga tumugtog! Balak kong bumili ng drumset na mahusay para naman may mapaglibangan kapag stressed sa trabaho at kelangang pumalo! :)


No comments:

Post a Comment