Sa panahong ang uso eh yung mga pelikulang tungkol sa mga poging bampira at machong werewolves, meron pa rin palang mga may lakas ng loob na gumawa ng pelikulang tungkol sa Pilipinong zombie. Putek, pinanood ko pa rin kahit na alam kong magiging comedy to kasi di ko talaga gets kung bakit ba dapat ganun maglakad ang mga zombie at kelangan ba talagang sira sira yung mga damit nila? Nakangiwi? Nakatirik mata? Umaarteng deformed ang mga kamay at binti? Tapos, kelangan may ungol na hindi mo malaman kung matatae ba sila o nabubulunan? Naiisip ko pa lang na ganun magiging itsura nila, tapos, parang ngayon pa lang ako makakakita ng zombie na hindi caucasian, eh natatawa na talaga ako. Oo, kasi sobrang western ng konsepto ng mga zombies-zombies na yan. kasi ang nakalakihan ko bilang isang batang pinoy eh yung mga aswang, maligno, kapre, tikbalang, at ang sobrang nakakatakot na white lady (minsan pa nga may black lady pa at red lady, gago kasi tong si Noli de Castro, kung ano ano ang pinapauso tuwing halloween special ng Magandang Gabi Bayan dati).
So ayun nga, pinanood namin yung Di ingon nato (diyalekto ng mga cebuano ito na kapag tinranslate eh Not like us) sa Shangrila, hassle pa kasi nandun pala yung mga artista nung pelikula at maliit lang yung sinehan so kapag natawa ka kahit hindi naman nakakatawa yung eksena eh mahihiya ka pa rin ng konti para sa kanila, lalo na na si Mercedes Cabral yung isa sa mga artista (ehem, ang artistang laging umaakting sa mga indie films at ubod ng seksi at nag-uumapaw ang sex appeal ooh-lala) at ang isa sa mga Jesus ko pagdating sa musikang Pilipino na si Franco Reyes, nakakahiyang hindi makapagpigil sa pagtawa, so ayun.
First scene, pasok agad si Franco (Dario ang pangalan ng karakter niya) at naipakita agad ng filmwriter na seryosong pelikula pala ito, dahil unang scene pa lang eh gumamit na agad ng gulok si Dario para tagain yung babaeng seksi na umaakting na zombie. So ayun, di na ako magbibigay ng spoilers sa pelikula pero ang astig talaga nung location ng pelikula at ang cute ni Nat-nat (anak ni Franco at Mercedes sa pelikula), kasi mataba tapos malaki sa kanya yung damit niya saka kung maglakad siya, parang bagong tuli kaya ayun (isipin mo na lang na siya yung pilipino version nung bata sa pelikulang Up)
Over-all nakakatawa talaga yung zombie part ng pelikula tapos biglang seseryoso na lang kapag nasa frame na si Franco, ewan kung bakit pero ganun talaga eh. Idol ko lang yata talaga si Franco. Hindi naman siya artista talaga na pang-akting pero seryoso kasi yung role niya kaya ayos na din.
Pagkatapos ng pelikula eh halos lahat nung artista pala eh kasama namin nanonood kasi sila yung sumisigaw na:
"Holyshit angganda ng pelikula!"
"part two, part two!!"
"pwedeng gawing libro ang istorya!"
"putek, ang profound ng storyline!"
"two thumbs up daw sabi ni God!"
Ayun, over-all ayos yung pelikula. Saka angganda lang ng musical score, lalo nung ending na papasok ng credits, nakaka-orgasm ang bagsak ng musika!
Oo, Holding hands kami ni Franco nung nagpapicture siya sa akin.
cute
ReplyDelete