Thursday, October 13, 2016

Miss na kita, Miss


Na mi miss ka na ng kwarto ko
     yung patak ng basang buhok
     sa sahig at kama
     kapag ika'y bagong ligo


Na mi miss ka na ng palad ko
     ang ating mga kamay
     magkalapat
     magkasukat


Na mi miss ko na ang yakap mo
    nagbibigay alab
    nagbibigay ningas


Na mi miss ko na ang lambing mo
    kiliti ng iyong ngiti
    halik sa aking pisngi


Na mi miss ko na ang boses mo
    tamis sa bawat kwento
    ang salita mong yumayakap
    sa aking pagkatao
    

Miss na kita, Miss
Miss na kita
Miss na miss.


No comments:

Post a Comment