Monday, February 21, 2011

dalawang yugto, isang wakas


ANG WAKAS NG LAHAT NG KWENTO SA AKING UTAK



unang yugto:

Nakinig siya, hindi siya bingi.
Naging totoo ka, isa kang oportunista.
Wasak ka na sa paningin niya,
sinira mo ang tiwala, iniwan ang tsansa.
Ngayon, ikaw ang nabulag sa sarili mong ningas.
Sino ngayon ang talo?
ang nasaktan?
ang nabigo?
Ito ang kwento mo.
hindi ng kung sinong bingi, o pipi, o ni john doe.


ikalawang yugto:

Sa bawat dilim na idinagdag ng araw at lamlam ng buwan,
lalong sumisikip at umiinit sa mumunting
sulok na kung saan laging may taong nakadayukdok.
May alitaptap na bumutas ng dingding at nagpaikot ng hangin.
Sa huli, lalo lang niyang pinag-alab ang pawis ng taong nagsisisi.





-WAKAS

No comments:

Post a Comment