Sabay nating tinahak ang sementadong daan.
hawak-kamay nating silang nilagpasan
ilang panahon na ba ang lumipas?
sandali pa lang ngunit
bawat segundo'y isang habambuhay ang katumbas
bawat minuto, wala tayong pinalampas
noong gabing iyon,
habang tinatahak ang hagdanang patungo sa kalungkutan,
mga palad nati'y pilit na pinigtas ng mga nagdaraan
mga taong dinaanan na ngunit gusto pang humabol
mga kamay man nati'y saglit na naghiwalay
ramdam mong ilang pitik man nang orasan ang maabutan
magtatagpo pa din ang ating mga palad
mga palad na alam nating magkasukat
No comments:
Post a Comment