Oo, ang sapatos kasi, minemedyasan
babaho kasi paa mo pag umulan.
Mayabang ako, alam ko.
Dahil wala silang lahat sa lolo ko.
Mayabang kung mayabang.
At least may laman ang bawat hirit ko,
hindi yung puro hangin lang.
Nagyayabang ako pag totoo
basta walang nasasaktang tao.
Hindi ako mambobola.
mga hirit na wala sa hulog
mga inakalang mapagpanggap na banat
mga in-assume na linyang paulit-ulit
tila isang script na kinabisa at saka
binulalas ng bibig
Ang sapatos sadyang minemedyasan.
para di ka na magrereklamong masakit ang paa mo, napapaltusan
Oo , hindi ako nambobola
lalo pag sinabi kong gusto kita
o higit pa.
No comments:
Post a Comment