Putang inang building yan puro salamin,
papano tatayo yan?
Ano ako magikero?
Nilapitan niya yung babae sa plaza. Ramdam niya yung pag-alon ng balbas at bigote niya habang umiihip pabalikwas ang hanging amihan. Ilang araw na pala siyang hindi nakakapag-ahit. "Okay lang yan, bagong ligo naman ako, mamasa-masa pa nga buhok ko! Mukha na din akong bagong ligo niyan!" aniya sa sarili.
Unang beses kong makapakinig ng malungkot na kanta, pero nakita ko yung sarili ko sa aninag ng itim na monitor sa harap ko na nakangiti ako.
"Sino tong taong to?" tanong ng babae sa sarili. Hindi mo maikakaila ang kainosentehan niya sa dagat ng iba pang batang nakakalat sa palaruan sa gitna ng plazang iyon. Madami sila doon pero alam mong naiiba siya. Mayroon siyang kinang na hindi mo madadalumat kahit ilang beses mo siyang lingunin. May kakaibang lambing kang mararamdaman sa mga mata niya. Kikiligin ka sa bawat salitang sasambitin niya.
...dalawampung oras mahigit na akong nakaharap sa makinang ito pero kahit gaano na lang ang pagal na dinadala ng katawan ko at pugto ng mga mata ko sa antok, hindi pa rin ako pwedeng tumayo dito.
Papalapit na ang taong grasa sa babae. Isa pang hakbang. Lingon. Iwas ng tingin. Isang hakbang pa papalapit. "Uy!" ang masayang bati ng taong grasa. Iwas ng tingin. Yuko. Kaba. "Uy!" Hindi pa rin siya nilingon. Ilang hakbang pa. Lunok ng malagkit. Hinga ng malalim. Magkaharap na pala sila. "Hi!"
dilim.
No comments:
Post a Comment