Wednesday, March 28, 2012

Trahedya sa mga prosa


Bakit kailangang kapag nagsusulat ng mga trahedya, iniisip ng mga tao na malungkot ka? Hindi ba pwedeng gusto mo lang na magluwa ng mga salitang malumbay at wasak yung utak mo? Na sawa ka na sa mga palasak na prosa na nagtatago lang ng kababawan sa mga masayang pananalita? Hindi pa ba kayo nabubulunan sa mga palabas na wala nang ginawa kundi maglahad ng mga steryotipo ng lipunan? Hindi pa ba kayo nandidiri na kailangan pang magsayaw at kumanta ng mga walang kabuluhanang stanza ni Willie Revillame? Oo, tanggap ko na minsan, kailangan ng mga tao ng isang simbolokong patunay na may pag-asa pa sa buhay na kung tawagin nila ay maralita. Pero lahat tayo may problema, kailangan nating ilabas yan. Hindi na pwedeng basta na lang nating takpan ng maskara lahat ng mga pangit na pangyayari sa buhay natin. Masyado nang gasgas pero dapat talaga nating harapin yun. Kung hindi, tayo rin ang mahihirapan sa huli. Magpapatung-patong lang yang mga yan kung lagi mong tatakpan ng mga bullshit na patama o parinig sa mga taong iyong pinoproblema. Eh paano kung hindi nila mahalata na sila pala yun? O kung inanimate yung object na pinoproblema mo? o kaya abstract masyado yung problema na yun? O diba? So wag na tayong magkunwari pang lahat. Oo, gusto mo, cool lang ang tingin sayo ng mga tao. Yung tipong: "ang taong laging masaya" o kaya naman, "Uy putek, ang cool naman niya, babagsak na siya sa major niya pero nakikipagtawanan pa din siya dun oh"


Sa ganang akin lang naman eh huwag na tayong magkunwari kung mayroon man tayong mga problemang nais nating takbuhan.
Harapin mo lang, saka ka mag-move on.
Di ba mas cool yun?

No comments:

Post a Comment