Kung babalikan mo yung yearbook mo nung highschool, bihira lang talaga yung mga taong nakakatupad nung mga kung ano-anong ambitions in life na inilagay nila sa yearbook write-ups nila. Mula doon sa mga nagsabing: "I wanted to be a doctor so that I can help sick people." at yung mga classic na "Gusto kong maging pulis para maipagtanggol ko yung mga na-a-api." hanggang doon sa mga hindi mo alam kung uma-against the norms ba talaga o talagang adik lang ang trip na "Gusto kong makamit ang tunay na happiness at world peace." o yung "Gusto kong maging kamukha ni Aga Muhlach at maging sinlakas ni Ultraman."
Kami ng kaibigan ko, simple lang ang pangarap namin, pero profound. Siya eh maging direktor at isang visionary filmmaker, at ako naman ay maging boldstar sa pelikula niya. O diba, ambongga.
Kidding aside, nakakatuwang natutupad ng barkada ko yung pangarap niya. Masyado mang cheesy pero, wala eh, magaling naman talagang magkwento yang si Dodong gamit ang kanyang camera. Dati, nanonood lang kami ng Cinemalaya, tapos ngayon kasali na yung gawa niya sa Cinemalaya mismo. Kudos Dodong!
Movie poster ng BalintunĂ , Entry ng Pixelfish sa Cinemalaya Shorts 2012
Kitang-kita sa laki ng bukas ng bibig sa paghikab ni superboy
kung gaano siya ka-excited sa kalalabasan ng pelikula.
kung gaano siya ka-excited sa kalalabasan ng pelikula.
Ilan sa bumubuo ng Pixelfish at ang bagong biling DIY crane.
Take sa pinakapaborito kong parte ng pelikula
Seryoso si master. Galing!
Superboy
Oo nga pala, kumocover din si Dodong kasama ang Pixelfish ng mga events. Tignan po natin ang portfolio ng Pixelfish at kayo na ang bahalang humusga sa talento niya at ng kanyang mga kasamahan sa Pixelfish.
Ang boldstar at ang bold direktor.
PS: Kung mabasa niyo man ito, pabor naman oh, kapag question and answer portion na ng mga filmmakers, pakitanong si Dodong kung kailan niya isho-shoot yung pelikulang ipinangako niya sa akin para mapressure na siyang tuparin yung pangarap kong maging boldstar.
panonoorin ko un erix pag natupad na ung pangako nya sau!:)
ReplyDeleteMatutupad yan Arriane, manalig ka lamang. Yayayain sana kitang maging supporting cast dun sa balak naming pelikulang iyon pero sexual harrassment na ata yun. Hahaha!
ReplyDelete