Monday, November 12, 2012

Kansulsilyo sa Bungo ng Isang Binatilyo


Habang sumisipol ang hangin sa gitna ng bukid
lumitaw ang liwanag na nakakabulag,
sinag ng araw na papalubog sa kanlurang langit,
at siya ang iyong iniisip.

Ilang gabing kakarampot na pinagsaluhan,
puyat. pagod. sarap.
Mababaw na oras na nila'y pinagdamutan,
isang habambuhay ang iyong nilisan.
Itong kansulsilyo sa kanyang utak,
dumadaloy sa ugat pa-wagas.

Kasiyahan niya sa katotohanan ng kanyang paglisan,
lumbay sa kanyang maiiwan.



Oo, hahalikan na kita sa posibleng huling beses nating pagkikita.


No comments:

Post a Comment